Thursday, September 27, 2012
Feeling ko..
may pilay or mali sa left wrist ko. Di ko alam ano meron eh, basta masakit siya. Matagal na 'to actually. Highschool palang, nafefeel ko nang mejo sumasakit-sakit ung left wrist ko paminsan-minsan. Pero ngayon, lagi na talaga siyang masakit. Hindi ko na siya magamit pangsupport sakin. Halimbawa, may tumulak sakin tapos may wall sa harap ko, ung tipong ipupush ko yung palm ko sa wall para mapigilan ung pagkatumba or pagka-off balance ko. Basta di ko maexplain ng matino. Basta ganun. Hindi ko kayang gawin un, kasi nga masakit talaga siya.
Binabali wala ko lang yun dati kasi feel ko, wala lang yun. Kaartehan lang ng wrist ko. Eh kaso ngayon, medyo may mga nababasa akong blogposts or articles sa net tungkol sa wrist or kamay nila. Yung tendons daw something or kung ano man yun, basta ganun, mapuputol na daw. Basta tipong possible daw na di na nila magagamit ung left hand nila. Wahahaha.
FREAKY. haha. Naparanoid naman ako bigla. So sabi ko kay mama kagabi, pacheck-up din kami.
Haayy. Sana walang mali sa left wrist ko. Sana kaartehan lang talaga ng left wrist ko 'to.
Feeling ko rin, kaya lalong sumasakit na siya ngayon ay dahil sa paggigitara ko. Sa pagkakaalala ko, lalo 'tong sumakit nung tntry kong iplay ung Crash Into Me ng Dave Matthews Band. Ang hirap kasi. Tapos un na. Sumakit na siya forever. Lalo pag ung chords na pnplay ko eh tipong Eb, Ebm na, ung mga nasa 6th fret na. haha.
Haay. Please pray for me, friends. Salamat <3
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment