Wednesday, October 3, 2012

History repeats itself LOL


M O M E N T 101 SA JEEP



Nung magpapara na sana ako, biglang hindi ko tinuloy. Napahinto ako at nagisip, "Teka, nagbayad na ba ako? Parang hindi pa." So inisip ko talaga mabuti. Mabuting-mabuti. Kahit alam kong mapapalayo na ako sa dapat bababaan ko.

Nagdadalawang-isip na talaga akong itanong kay manong kung nagbayad na ba ko, sa harap naman kasi ako nakaupo (nanaman). Pero hindi, gusto ko talagang isipin sa sarili ko, tsaka nahihiya rin ako kay manong.

So, ayan, lumalayo na ko ng lumalayo sa dapat bababaan ko talaga. Binuksan ko ung bag ko at tinignan ko ung coin purse ko at nakita kong andun ung P20 bill ko, na dapat ay ipambabayad ko kay manong.

So 'yun. Nawala nanaman sa isip kong magbayad. WTH.

Ayun, inabot ko kay manong ung P20 ko at inantay ko pa ung sukli ko sabay, "Sa tabi lang po."

Tapos nung bababa na ko, sabi pa ni manong, "Tingin ka sa kanan mo." Wow, concern si manong sakin. Nahalata ata niyang wala ako sa sarili ko, baka daw masagasaan ako. LOL.


HAAAAY. Bakit ganun? Ano nangyayari sakin? May sakit na ata ako. Bakit nalilimutan ko nang magbayad sa jeep? Sabi ko panaman sa sarili ko, di na ko makakalimot magbayad sa jeep. Tapos di pa nakakalipas ang isang linggo, naulit nanaman. SABAW.