Saturday, August 11, 2012

SERENDIPITY


Kanina, naisipan kong ayusin yung magulo kong table dahil malapit na mag monday. Kailangan ko na kasi ng bagong tatambakan. LOL. Ayun. Sobrang gulo niya. Andun yung Eng papers ko, yellow papers, at kung anu-ano pang papers, ilang notebooks, plastic cover, ilang pocketbooks, mga pansulat at pangkulay, may mga plastic-plastic, at kung anu-ano pa. Basta, MAGULO TALAGA. :))

Eh di yun, iniisa-isa ko yung mga kalat ko dun. Sinosort ko bawat isa. Hanggang sa unti-unti nang nasinagan ng liwanag yung table top mismo, pero may mga onting maliliit na papel parin dun.

Tapos nagulat ako sa nakita ko.

Para mavisualize niyo ng onti, nakasagad kasi sa wall yung table na yun. Tapos sobrang nagulat ako kasi may nakita akong five-hundred-peso-bill na naka-fold in half. Wohoaa. At talagang naka-harap pa sakin si Ninoy ah. Malapit na nga siyang malaglag kasi nakadikit na siya sa wall, so pag meron pa akong siniksik na bagay at sakaling na-push yun, malamang malalaglag na yun. Eh kung malaglag yun, malamang nyan after 10 years pa bago ko/namin madiskubre yung P500 na yun. :))

Sobrang natuwa talaga ako. Di ko alam kung san nanggaling yung pera na yun. Ewan ko kung baon ko ba sana yun, pambayad or pambili sa kung ano man, savings ko ba yun, or kung ano man. Hindi ko talaga alam. WAHAHAHA.

Hahahaha, naaamaze talaga ako. :D

No comments:

Post a Comment