Saturday, August 11, 2012
SERENDIPITY
Kanina, naisipan kong ayusin yung magulo kong table dahil malapit na mag monday. Kailangan ko na kasi ng bagong tatambakan. LOL. Ayun. Sobrang gulo niya. Andun yung Eng papers ko, yellow papers, at kung anu-ano pang papers, ilang notebooks, plastic cover, ilang pocketbooks, mga pansulat at pangkulay, may mga plastic-plastic, at kung anu-ano pa. Basta, MAGULO TALAGA. :))
Eh di yun, iniisa-isa ko yung mga kalat ko dun. Sinosort ko bawat isa. Hanggang sa unti-unti nang nasinagan ng liwanag yung table top mismo, pero may mga onting maliliit na papel parin dun.
Tapos nagulat ako sa nakita ko.
Para mavisualize niyo ng onti, nakasagad kasi sa wall yung table na yun. Tapos sobrang nagulat ako kasi may nakita akong five-hundred-peso-bill na naka-fold in half. Wohoaa. At talagang naka-harap pa sakin si Ninoy ah. Malapit na nga siyang malaglag kasi nakadikit na siya sa wall, so pag meron pa akong siniksik na bagay at sakaling na-push yun, malamang malalaglag na yun. Eh kung malaglag yun, malamang nyan after 10 years pa bago ko/namin madiskubre yung P500 na yun. :))
Sobrang natuwa talaga ako. Di ko alam kung san nanggaling yung pera na yun. Ewan ko kung baon ko ba sana yun, pambayad or pambili sa kung ano man, savings ko ba yun, or kung ano man. Hindi ko talaga alam. WAHAHAHA.
Hahahaha, naaamaze talaga ako. :D
Tuesday, August 7, 2012
Bakit kaya?
Feeling ko stress at depressed ang majority ng tao. Nakakahawa. Gusto kong sumaya ng sobra. Yung tawang pang "YOLO".
Ugh. Mayroon pa akong traumatic experienced kahapon sa SM Farview. Pauwi na ako e, Letseng masamang nilalang yan. Dinudukutan na ako at buti naramdaman ko agad na parang bumibigat yung likod ko na parang may kinakalkal sa bag ko (yung ganong feeling) tapos pag tingin ko sakanya, hawak niya na yung cellphone ko. Nagkatitigan kami ng mga ilang segundo tapos napangiti pa siya ta's biglang sinoli yung cellphone ko. Ang bobo diba? na-konsensya pa si loko. Syempre nagulat ako sa mga pangyayari. Nanlamig na lang ako na parang natataeng feeling yung parang ninerbyos masyado. Basta! yung feeling na wala ka ng feeling! Hays. First time kasi mangyari yun.
Pero Mabait pa rin si Lord sakin. Hindi na niya hinayaan maglabas ng patalim yung sira ulong yun. Nilagay ko na lang sa isip ko na kaya hindi niya tinuloy yung balak niya kasi baka na-starstruck siya sa beauty ko. HAHA pang pa-kalmang feeling men! buti nakatulog pa ako kagabi.
hays.
Hanggang ngayon nga hindi pa rin ako makapaniwalang kolehiyala na ako e. Ang bilis ng panahon!
Ang hirap ng pumetiks unlike nung highschool kahit pumetiks nakakapasa. =)) Tapos ayun period dot dot.
Ayun, suspendido nanaman. Hanggang kailan nanaman kaya ito? naurong din yung prelims. Ang tikas din naman kasi ng ulan. Ayaw paawat! buti na lang, meron sa UST na kung saan ay pwedeng mag donate para sa mga nasalanta. Pwede na tayo makatulong! kahit papaano may magawa man lang tayong mabuti sa kapwa hindi yung panay ang sise mo sa kung kani-kanino kung bakit nangyayari ang gantong kalamidad sa Pinas. Panahon yan men! apektado lang talaga ako sa mga nababasa ko.. sa mga kumentong wala naman naitutulong.
Nakakalungkot talaga.
Tapos, alam mo yun? Yung pakiramdam na there’s nothing to talk about, to laugh about and to cheer about.. Parang wala lang, minsan pakiramdam mo lahat ng tao sa paligid mo malungkot. Yung buhay na walang excitement, yung buhay na parang walang nilolook forward. Tapos kinabukasan stressful day na naman dahil kailangan mo mag-advanced reading para sa exam.
Tapos LQ pa kayo ng ermats/erpats, kapatid, kaibigan, aso, kabayo, daga at pusa o kung sino man yang special someone mo? Taena, kawawang nilalang. Haha!
Gusto man natin magbago ang lahat ng bagay na nakapalibot satin. Pero sa oras na mangyari yun, mas madalas natin hilingin na sana magbalik na lang ang lahat sa dati. Random ko nanaman. Hays.

Subscribe to:
Comments (Atom)