Tuesday, August 7, 2012

Bakit kaya?

 Feeling ko stress at depressed ang majority ng tao. Nakakahawa. Gusto kong sumaya ng sobra. Yung tawang pang "YOLO".

Ugh. Mayroon pa akong traumatic experienced kahapon sa SM Farview. Pauwi na ako e, Letseng masamang nilalang yan. Dinudukutan na ako at buti naramdaman ko agad na parang bumibigat yung likod ko na parang may kinakalkal sa bag ko (yung ganong feeling) tapos pag tingin ko sakanya, hawak niya na yung cellphone ko. Nagkatitigan kami ng mga ilang segundo tapos napangiti pa siya ta's biglang sinoli yung cellphone ko. Ang bobo diba? na-konsensya pa si loko. Syempre nagulat ako sa mga pangyayari. Nanlamig na lang ako na parang natataeng feeling yung parang ninerbyos masyado. Basta! yung feeling na wala ka ng feeling! Hays. First time kasi mangyari yun. 


Pero Mabait pa rin si Lord sakin. Hindi na niya hinayaan maglabas ng patalim yung sira ulong yun. Nilagay ko na lang sa isip ko na kaya hindi niya tinuloy yung balak niya kasi baka na-starstruck siya sa beauty ko. HAHA pang pa-kalmang feeling men! buti nakatulog pa ako kagabi. 
hays.

Hanggang ngayon nga hindi pa rin ako makapaniwalang kolehiyala na ako e. Ang bilis ng panahon!
Ang hirap ng pumetiks unlike nung highschool kahit pumetiks nakakapasa. =)) Tapos ayun period dot dot.

Ayun, suspendido nanaman. Hanggang kailan nanaman kaya ito? naurong din yung prelims. Ang tikas din naman kasi ng ulan. Ayaw paawat! buti na lang, meron sa UST na kung saan ay pwedeng mag donate para sa mga nasalanta. Pwede na tayo makatulong! kahit papaano may magawa man lang tayong mabuti sa kapwa hindi yung panay ang sise mo sa kung kani-kanino kung bakit nangyayari ang gantong kalamidad sa Pinas. Panahon yan men! apektado lang talaga ako sa mga nababasa ko.. sa mga kumentong wala naman naitutulong.

Nakakalungkot talaga. 


Tapos, alam mo yun? Yung pakiramdam na there’s nothing to talk about, to laugh about and to cheer about.. Parang wala lang, minsan pakiramdam mo lahat ng tao sa paligid mo malungkot. Yung buhay na walang excitement, yung buhay na parang walang nilolook forward. Tapos kinabukasan stressful day na naman dahil kailangan mo mag-advanced reading para sa exam.

Tapos LQ pa kayo ng ermats/erpats, kapatid, kaibigan, aso, kabayo, daga at  pusa o kung sino man yang special someone mo? Taena, kawawang nilalang. Haha!

Gusto man natin magbago ang lahat ng bagay na nakapalibot satin. Pero sa oras na mangyari yun, mas madalas natin hilingin na sana magbalik na lang ang lahat sa dati. Random ko nanaman. Hays.

No comments:

Post a Comment