..oo tama dito nga lang sa blog ko. :)
AYUN SUMAPIT NA ANG MAY 21, 2012. (Lunes, 2:29 am)
Yung ang active ng utak ko pero lutang. Nakakatuwa lang kasi, kahit lutang ako ang dami ko pa ring naiisip na bagay. Parang ewan lang sa pakiramdam. Yung mga bagay tulad ng inaantok ka na nga pero ayaw mo pang matulog, nagugutom ka pero ayaw mong kumain kasi, tinatamad ka na magtoothbrush after or natatakot ka lang lumabas ng kwarto kasi madilim sa labas ng kwarto mo. Kaya sa huli nga-nga ka na lang. Nakatunganga sa computer, naka online, nag babasa ng kung anu-ano, tumatawa mag-isa tas biglang emote kapag may naalalang di ka-nais nais.
Buti na lang hindi kami sobrang yaman para magkaron ng camera sa loob ng bahay na nakatutok sayo 24/7. Kung nakikita mo lang siguro sarili mo.. Ang weird siguro panuorin ng sarili mo kapag sa mga gantong oras. Minsan ikaw na lang din gumagawa ng paraan para mapasaya sarili mo sa mga gantong oras e. Yung oras na gustong gusto mong may makausap pero wala. Halos araw-araw na akong ganyan. Nakakalungkot lang kasi parang nawawalan ka na ng i-loolook forward mo para gumising mamayang umaga. Chos.
Nakakasira ng ulo pag walang magawa? para sakin, hindi naman. Dahil napatunayan ko na wala ng ibang pwedeng makapagpa-saya sayo ng tuloy tuloy na walang pagbabago except sa sarili mo. Alam kong tama ako, kasi nararanasan ko yan. Hirap! pero masaya pa din. Kasi nga, ako mismo gumagawa ng way ko para malibang ang sarili ko sa mga gantong oras.
No comments:
Post a Comment