R A N D O M N I G H T S 101
Unti-unti kong bibitawan,
Puso mo na aking hawak.
Hindi dahil sa kasuklaman,
O dahil man sa hidwaan
Hindi ko maikakaila na,
Nagmahal ako sayo ng lubusan.
Ipinangako din ang magpakailanman,
Hanggang sa kamatayan.
Nawala na ang suyuan at lambingan,
Muli ako’y lilisan.
Sa iyo, dati kong mahal,
Patawarin mo sana ako. Paalam mahal.
Muli sa ating pagtalikod sa isa’t – isa,
Nawa’y muling magkita.
Hindi bilang isang Magkatipan,
Nguni’t isang matalik na magkaibigan.
- Lourose.
No comments:
Post a Comment